All contents in this Website are for informational purposes only and should not be considered a specific diagnosis or treatment plan for any individual situation.  Always seek the direct advice of professionals in connection with any questions or issues you may have about serious, life-threatening or trauma-related matters regarding yourself, your child, or family life. Pictures in the website are models, and do not depict the situation mentioned in the blogs.

© 2017  PRESENT PARENTING SOLUTIONS by Li Etame. Proudly created with Wix.com

SEARCH BY TAGS: 

Please reload

RECENT POSTS: 

FOLLOW ME:

  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey

Love Letter to My Nanny (in Filipino)

December 25, 2017

These days, it is more difficult to find a trusted help than to find work. It is hard to feel secure with all the (horror) stories abound the net on house help and child care. Our home has had 3 helps in a year and while I know there is no perfect nanny (just as there is no perfect parent), I will leave no reservation to let my nanny know how much she and her service mean to us. 

 

Liham sa tagapag-alaga ng aming anak:

 

Kinuha kita dahil kailangan kita, kailangan ka ng aking pamilya.

 

Sana maintindihan mo na kailangan nating magtulungan sa pag-aalaga at maraming maaaring maranasang hirap sa trabahong ito.

 

Kailangan ko ang iyong tulong sa mga sumusunod:

  1. Disiplina:

Ang disiplina ay pagtuturo ng tamang paraan ng pananalita, ng magagandang asal, ng tama sa mali, ng mga bagay na hindi niya kayang gawin dahil bata pa siya. Ito ay hindi pagbibigay ng punishment. Kausapin natin at siguraduhing pareho tayo na magbigay ng respeto at pagmamahal sa bata.

 

Gusto naming iwasan ang disiplina na namamahiya, nananakot, lalo na ang gumagamit ng dahas.  Makakausap ang anak namin. At kung hindi, konting pasensya pa. Sa pag disiplina, kailangan mararamdaman na safe ang bata.

 

2. Sa pag-didisiplina o sa mga panahong nagwawala ang anak namin, sasabihin ko na sa iyo na ito ang mga panahong MAS lalo tayong kailangan niya. Huwag sabihing tama na sa kakaiyak or tumigil kung hindi ganito, ganyan ang mangyayari (o kukunin siya ng guard). Intindihin kung ano ang iniiyak niya; lapitan mo, o kunin siya at sabihing andiyan ka lang. Ganito lang ang paraan na makapag-express siya; hayaan na lang at wala pa siyang alam na gaanong salita. Ganito ang nais naming pagkalinga.

Kapag ganito tayo mag-respond: magiging mas panatag ang bata sa iyo, sa atin, at ganito natin maipaparamdam na safe siya.

 

3. Huwag puro “No” o “Huwag ‘yan!” o "Dito ka lang, sabi eh!". Mararanasan mo din na paulit ulit ka sa pagsasabi ng mga bawal at paulit ulit ring gagawin ng anak koi yon na parang hindi niya maintindihan. Ganyan talaga, manatiling kalmado lang tayo. Dahil gusto at kailangan niyang mag-explore. Ganito siya natututo tungkol sa mga bagay-bagay.

 

Naniniwala ako na kayang-kaya mo makuha ang loob ng anak namin, at nagsisimula na siyang mag-open up sa iyo.

 

Gusto naming malaman mo na napakahalaga ng pagtulong mo dahil ikaw ang katuwang namin maghubog ng puso, isip, at karakter ng anak namin. Isang pribilehiyo at malaking responsibilidad ito. Salamat.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now