All contents in this Website are for informational purposes only and should not be considered a specific diagnosis or treatment plan for any individual situation.  Always seek the direct advice of professionals in connection with any questions or issues you may have about serious, life-threatening or trauma-related matters regarding yourself, your child, or family life. Pictures in the website are models, and do not depict the situation mentioned in the blogs.

© 2017  PRESENT PARENTING SOLUTIONS by Li Etame. Proudly created with Wix.com

SEARCH BY TAGS: 

Please reload

RECENT POSTS: 

FOLLOW ME:

  • Facebook Clean Grey
  • Instagram Clean Grey

Nagawa Ko na Lahat, Ayaw pa rin Niya Sumunod!

June 17, 2017

Mag-f-four years old na ang anak mo, pero ang dami niyo nang naranasan. Madami ka nang na-apply na strategies- sa ibang araw, nag-w-work naman, pero madalas, hindi eh. Minsan, tinanong mo sarili mo- Ako ba may problema o matigas lang talaga ulo ng anak ko?

 

Trust in Your Child’s Goodness

 

Model graciousness. Nicole Schwarz, a parenting coach and author of Positive Parenting for Imperfect Families, says to treat each time uniquely. Iba’t- iba ang mga pangyayari, at hindi naman pwedeng pare-parehong strategy lang ang i-a-apply. Ang tanging hindi dapat magbago ang pagiging kalma. Hintay ka lang sa magiging response ng anak mo.

 

Stop that voice inside you that says, ‘Matigas ang ulo. Nangiinis na naman. I have repeated myself a hundred times. Kailan pa sila matututo ako nalang gumagawa ng lahat.’

 

 

A father shared to me his story with his daughter, aged 3. Nahihirapan na siya sa pagpapakain ng anak niya.  Sa kanya ito naiiwan sa umaga. Naghahanap siya ng ideas paano maging madali at fun naman ang feeding time. Minsan daw, yung daughter niya gustong hawakan ang baso na siya lang, at kumain nang mag-isa- pero sobrang kalat. Kadalasan naman, sobrang bagal nila kumain, hindi niya nauubos lahat.

 

Pero kapag tinaasan na ni Daddy ang boses niya nang pagalit, sumusunod naman at nakakakain naman ang daughter niya, pero iiyak siya nang sobra. Ganito ba daw palagi? So hindi niya lang pinapansin ang daughter niya, at nang mag tantrums at itapon lahat sa floor, ayaw pa tumulong ng daughter. Iyon ang kinakagalit lalo ng Daddy.

 

Now, sa dami nang nangyayari, ang pinakakinaiinisan ng Daddy ay ang ayaw pag-tulong ng anak niya. (Sinabihan ko naman na siya kung paano i-handle ang iba’t-ibang nangyayari during eating time nila. It is hard to focus on different details sa eating sessions nila, but it helps to know what happened before and during, at paano nagrespond si Daddy).

 

Kung tayo, nasa ganitong sitwasyon din, let’s say, nagpapakain tayo, at nagtantrum ang bata, nahulog ang baso at natapon na ang gatas, ano na nga ang gagawin natin? Ganito na lang madalas.

 

You think, ‘Paliwanagan ko ba kung bakit dapat magclean up? Takutin ko ba? SIgawan?’

 

Remember, iba-iba ang mga pangyayari at iba-iba rin ang maaaring maging response ng mga anak natin. Why not initiate at ikaw na magsimulang maglinis?

 

When you say that it's okay that she has spilled the milk, MEAN it and feel it in your heart that it's really okay. Ang importante yung baso lang ang nalaglag, at walang nasaktan.  

 

Get the rug, (kunan mo din siya at imbitahang magpunas) and say, ‘It's okay, alam kong galit ka, pero kailangan natin kumain, tapos clean natin pagkatapos, Anak, ha? Ready ka na ba tulungan si Mommy? Pag hindi, next time tulungan mo si Mommy, ha? (Kalma lang, Bes, kahit ang dami mo pang gagawing chores! Dito, ipinapakita mo sa kanya na naniniwala ka na pwede ma-iba ang response niya.)

 

Most importantly BE SINCERE.

 

A present parent doesn't mean you don't have expectations or gagawin mo na lang lahat kapag hindi ginawa ng anak mo. Kailangan talaga ng limits o rules para sa ating mga anak para gabayan sila sa paglaki nila.

 

Being present here means alam mo na ang gagawin mo kapag may nangyaring ganitong insidente na ayaw ulit makinig o tumulong ng anak mo. Maging sincere, at manguna na sa pagpapakita na naniniwala ka na tutulong din siya.

 

If you think naubusan ka na ng strategies, have faith that even if next time he still doesn't do what he’s told, he WILL because he is pure.

 

HE WILL because he has a good heart and you have given yourself the POWER to BELIEVE again no matter what.

 

Trust in the goodness of each time, in the goodness that is your little one.

 

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now